SAM copy copy

ISINUGOD sa hospital si Sam Milby nu’ng isang araw dahil sa matinding pananakit ng tiyan na ang pinagdududahang sanhi ay ang kinain niyang may beef.

“Biglang namilipit wala namang ibang kinain kundi ‘yung may beef na ulam, ‘isip namin baka gutom ‘tapos kumain kaagad, hindi natunawan. Kaya dinala kaagad sa hospital, after check-up pinagpahinga at may ‘pinainom, umokey na, pinauwi naman, hindi naman na-confine, under observation,” kuwento ng aming source na hindi naiklaro kung sa taping ng seryeng Doble Kara inabutan ng pananakit ng tiyan si Sam Milby o nu’ng nakauwi na ito sa bahay.

Sabi namin, baka naman na-food poison.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Parang hindi naman na ewan, hindi namin alam kasi hindi naman kami sinagot na nu’ng tinatanong namin. Ang mahalaga, okay na si Sam.”

Baka nga nabigla ang tiyan ni Samuel Lloyd kasi mahilig itong magpalipas ng gutom lalo na kapag may ginagawa o trabaho, tatapusin muna niya lahat bago kakain. Ngayon lang din namin narinig na kumain ulit ng beef ang aktor dahil usually, chicken, fish at veggies ang kinakain niya.

At kaya ayaw niya ng beef, ang natatandaan naming sabi niya noon, “mahirap matunaw” na totoo naman. 

Anyway, bukod sa Doble Kara tapings ay abala rin si Sam sa shooting ng pelikulang pinagbibidahan nila nina Zanjoe Marudo at Angel Locsin na may titulong Third Party. Sa mga post ni Zanjoe sa Instagram, kitang-kita na masaya silang tatlo sa set ng pelikula na idinidirek ni Jason Paul Laxamana mula sa Star Cinema.

May mga kuhang tulog si Zanjoe habang nagtatawanan sina Angel at Sam, may kuhang naggigitara ang huli at nagkakantahan sila at may mga kuha ring kumakain sila. Happy set ang nakikita namin sa Third Party base sa mga litratong naka-post.

Samantala, hindi na itinago ni Sam na girlfriend na niya ang ETC TV host, food blogger, at model na si Mari Jasmine Jones. Walang dugong Pinoy ang half-Japanese, half-British na si Mari na ipinanganak sa Tokyo, Japan pero sa Australia lumaki.

Nagtrabaho na si Mari Jasmine sa Hong Kong, Japan, Taiwan, Thailand, India at France at na-in love sa Pilipinas nang bumisita rito kaya nanatili na siya sa ating bansa lalo’t nagkakilala sila ni Sam na mukhang makakatuluyan na niya.

Hindi na nagbigay ng detalye ang aktor kung ilang buwan na sila ni Mari Jasmine, pero mukhang sa kasalan na mauuwi ang relasyon nila. Sa nakaraang mga interview namin kay Sam, nagbabalak na siyang lumagay sa tahimik. At ngayon, aminado siyang sana nga ay si Mari Jasmine na ang makatuluyan niya. (REGGEE BONOAN)