GERONA, Tarlac – Isa na namang hinihinalang sangkot sa droga ang napatay makaraang manlaban umano sa Barangay Apsayan sa Gerona, Tarlac nitong Huwebes.

Nanlaban umano kaya napatay si Michael Loja, 50, may asawa, ng nasabing barangay, sa buy-bust operation ng pulisya.

Natagpuan sa lugar ang isang .38 caliber revolver, apat na basyong bala at isang slug, dalawang plastic sachet ng hinihinalang droga, at P1,000 marked money. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog