MARIAN DINGDONG AT BABY ZIA copy copy

NAGSIMULANG mapanood ang Yan Ang Morning (YAM) noong May 2 at kung one season lang ito, dapat ay natapos na ng July 22, pero hanggang ngayon ay napapanood pa rin si Marian Rivera at ang kanyang special guests sa morning show (every 9:30 AM araw-araw), sa GMA-7.

“Nag-request sila kung puwedeng mag-extend ako kahit three weeks hanggang sa mag-celebrate ako ng birthday ko sa August 12,” kuwento ni Marian nang bisitahin ng ilang entertainment press sa set ng YAM sa Korean Cultural Center sa Bonifacio Global City. “Pumayag naman ako kasi mahal ko ang show at marami akong natutunan dito at maraming nadagdag na mga kaibigan ko, iyong ngayon ko lamang mga nakasama. Tamang-tama na my birthday falls on a Friday at iyon ang magiging finale episode ko.

“Kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa GMA Network dahil wala silang sawang nagbibigay sa akin ng mga projects na ngayon ko lang nagagawa. Kahit hindi naman ako nagho-host, ‘pinatikim nila sa akin kung paano mag-host ng show at thankful din ako sa aking production staff, kay Direk Louie Ignacio, dahil hindi nila ako pinabayaan sa pagtatrabaho, kahit twice a week lang ang taping, mula umaga naman hanggang gabi ang trabaho namin, ang sisipag ng aming staff.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magpapahinga muna siya at gusto niyang tutukan ang anak na si Baby Zia, who is now eight months old.

“Gusto ko kasing makita ang kanyang paglaki, ayaw kong magulat na lamang akong malaki na pala siya at hindi ko siya nasubaybayan. Hands-on kami ni Dong (Dingdong Dantes) sa pag-aalaga sa kanya at ngayon ipinasok namin siya sa school at nakikinig lamang sila ng mga music at gumagaya sa sound ng mga animals. Ginawa namin iyon ni Dong para masanay si Zia na maraming tao, ma-develop ang personality niya at ayaw naming manibago siya kaya kahit sa paggu-grocery, isinasama namin siya.”

Tuwang-tuwang ipinakita ni Marian ang pictures ni Zia na marunong nang mag-make faces at ang video na nakakatawag na ito ng ‘mama’ at ‘papa’

So, kailan naman siya gagawa ng bagong drama series ngayong tapos na ang YAM?

“Nakakataba nga ng puso na walang tigil ang GMA ng pag-o-offer ng project sa akin, but since binigyan na nila ng bagong serye si Dong with Andrea Torres, Megan Young and Ms. Jaclyn Jose, siya na lamang muna. Hindi p’wedeng sabay kaming gumawa ng soap dahil sabay kaming mawawala sa bahay, kaawa-awa naman si Zia. Pero nand’yan pa naman ang Encantadia at kahit mamamatay na ako as Ynang Reyna Mine-a, every now and then, mapapanood pa rin ako bilang isa akong diwata. Every Sunday, nasa Sunday Pinasaya ako at sabi ng GMA, maggi-guest pa rin ako sa ibang shows ng network. Siguro, kapag tapos na si Dong ng soap niya, ako naman ang gagawa. Gusto ko talagang maalagaan nang husto si Zia, at gusto namin siyang sundan after two years pa.”

Hindi na kami nag-stay para sa next episode na iti-tape niya, iyong si Dingdong ang special guest para sa kanyang birthday presentation sa August 12. When asked kung saan siya magsi-celebrate ng birthday...

“Kasama namin ang buong family, ni Dong at ng family ko, mahilig kami sa beach kaya sa isang beach kami pupunta. 

Bahala na si Dong kung saan kami pupunta,” nakangiting pagtatapos ni Marian na lalong gumaganda at halatang in love na in love, hindi lamang kay Dong kundi kay Baby Zia rin. (Nora Calderon)