WALANG katotohanan ang mga espekulasyon na gagawa ng pelikula si Kris Aquino kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ito ang siniguro ng isang insider ng APT Entertainment na hiningan namin ng comment.

Lumabas ang mga haka-hakang magkakaroon ng pelikula ang Queen of All Media at ang AlDub love team simula nang makipag-meeting ang Queen of All Media sa mag-amang Tony at Direk Mike Tuviera noong nakaraang linggo. May mga nag-conclude agad na tiyak na gagawa raw ng movie si Kris sa kanila.

“Nag-lunch lang sila dahil magkakaibigan naman sila,” kuwento ng aming source. “Hindi totoo na gagawa si Kris ng movie with Alden and Maine. Unang-una, hindi sasabayan ni Mr. T si Bossing Vic Sotto dahil may entry siya sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. At kung tulad nang dati, tiyak na co-producer din ang APT Entertainment Inc. sa movie. Magsisimula na nga silang mag-shooting dahil maaga ang submission ng entries ng MMFF, sa October 31, 2016.”

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Hindi pa alam ng source namin kung sino ang magiging leading lady ni Bossing Vic.

Follow-up question namin, hindi kaya si Kris? Wala pa raw siyang alam.

When asked kung ano ang susunod na project nina Alden at Maine sa kanila, pinag-uusapan pa raw. This time daw kasi ang GMA naman ang in-charge sa project. Kung hindi pa raw sila gagawa ng teleserye, malamang isang movie muli para sa Valentine’s Day sa 2017 ang gagawin ng phenomenal love team.

Ayon pa sa kausap namin, nakatakda munang pumunta next week ng Morocco in North Africa sina Alden at Maine

 para sa isang pictorial of a glossy magazine na magsi-celebrate ng special anniversary.  

Tatagal din ng ilang araw doon sina Alden at Maine. (NORA CALDERON)