SA susunod na episode ng Hay, Bahay!, walang magagawa sina Sikat (Wally Bayola) at Mael (Jose Manalo) kundi matulog sa labas ng bahay dahil gabi na sila nakauwi. Hindi magigising sa lalim ng pagtulog sina Vio (Vic Sotto) at Lav (Ai Ai delas Alas) para pagbuksan sila ng pinto at gigising ang tatlo na pikon sa mga kasama sa bahay. Mararamdaman naman ni Batch (Kristine Hermosa) ang tensIyon kaya maaasar din ito dahil mukhang sila na ang nakikisama sa loob ng sarili nilang bahay.

Dahil sa udyok ng kumpare ni Mael na si Clooney (Jelson Bay), susubukang isahan ni Mael ang mga kasama sa bahay sa pagbebenta ng doorbell na may malaking patong ang presyo. Bibili si Sikat at ilalagay sa kuwarto nila para mabilis magising si Lav tuwing uuwi siya ng gabi. Bibili rin si Bolina dahil sira na ang doorbell ng buong bahay. Pero kapag nalaman ni Clooney na iisahan din siya ni Mael, hindi niya sasabihin ang solusyon sa nakakarinding problema ng doorbell.

 

Paano maayos ang gusot na ito sa bahay Yaptinchay? Sino sa kanila ang matututong maging mapagbigay? Makigulong muli sa Hay, Bahay! ngayong Linggo bago ang 24 Oras Weekend sa GMA.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter