RAMOS, Tarlac - Isang vendor, na sinasabing nasobrahan sa pag-inom ng alak, ang natagpuang patay at pinaniniwalaang nabagok nang bigla na lamang mabuwal sa covered court ng Poblacion Center sa Ramos, Tarlac.

Ayon kay PO3 Jomar Guimba, sinasabing nabuwal si Renato Mendoza, 65, may asawa, dahil sa matinding kalasingan, at natuklasang may dugong lumabas sa bibig nito.

Sa pagtayo ay posibleng nahilo si Mendoza, muling nabuwal at tumama ang ulo sa semento hanggang hindi na nagising, ayon sa imbestigasyon. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito