Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

4 n.h. -- San Beda vs UST

6 n.g. -- NU vs San Sebastian

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Umaatikabong bakbakan ang inaasahang matutunghayan ngayon sa pagtutuos ng opening day winner San Sebastian College at defending champion National University sa tampok na laban ng Shakey’s V League Season 13 Collegiate Conference sa San Juan Arena.

Target ng Lady Stags spikers na madugtungan ang matikas na panalo sa Perpetual Help University sa opening day.

Natamo rin ng liyamadong Ateneo ang masaklap na kabiguan nang masilat ng Technological Institute of the Philippines, 26-24,14-25, 25-21, 18-25, 15-12 nitong Lunes.

Tatangkain ni San Sebastian open hitter Grethcel Soltones, reigning NCAA back- to- back MVP at last Open Conference MVP, na mapanatili ang matikas na opensa na tulad nang kanyang naipakita labas sa Altas kung saan umiskor siya ng 20 puntos.

Mauuna rito, sasalang din sa unang pagkakataon ang University of Santo Tomas kontra San Beda na nagkukumahog namang makabawi sa kabiguang natamo nito sa kamay ng University of the Philippines.

Inaasahang mangunguna para sa Tigresses sina EJ Laure, at kapatid nitong si Eya Laure na magsisilbing guest player para sa koponan .

Duda naman kung makakalaro si Cherry Rondina na nagtamo ng sprained ankle sa nakaraang laban nito para sa Foton sa Super Liga. (Marivic Awitan)