JOJO AT ANGEL FLORES copy

CONGRATULATIONS sa mag-asawang Jojo at Angel Flores ng Jams Artist Productions na sa September 20 ay tatanggap ng award sa Manila Hotel bilang topnotcher sa Golden Globe Annual Awards For Business Excellence and Filipino Achiever 2016. A

Ang nasabing event ay iho-host nina Ai Ai delas Alas at Robi Domingo.

Matitinding hirap at intriga ang pinagdaanan nina Jojo at Angel Flores para maiangat ang kanilang Jams Artist Productions na supplier ng talents sa TV and movie productions. Pero sadyang may ibinubunga ang mga pagsisikap at pagtitiyaga. Ngayon ay matagumpay na ang kanilang itinayong business.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kung dati ay pawang mga ekstra lang ang kanilang alaga at isinusuplay sa TV networks, ngayon ay may contract artists na sila na kinabibilangan ng dating PBB 747 housemate na si Charlhone aka Brent Stiffler now better known as Charlon Da Foundling Man.

Congrats again, Jojo and Angel Flores! Keep up the good work para success pa more! ‘Yun na! (MERCY LEJARDE)