MARIAN AT AI AI copy copy

MASAYA ang episode na ipinalabas kahapon sa Yan Ang Morning hosted by Marian Rivera at guest si Ai Ai delas Alas.

Binisita nila ang Quiapo, Manila at nagpahula sila sa isang mahusay daw na manghuhula sa tagiliran ng Quiapo Church.

Pinahulaan ni Ai Ai ang lovelife niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Mas mahal ka ng boyfriend mo, kaysa pagmamahal mo sa kanya. Siya ang humanap sa iyo, hindi ikaw ang humanap sa kanya,” sabi ng manghuhula.

Ikakasal ba siya ngayong annulled na ang kasal niya?

“Oo, ayaw mo lang kasing maniwala sa kanya, pero aayusin niya ang lahat para sa inyong pagpapakasal.”

Tumama yatang lahat ng mga hula, kasi biglang tumayo si Marian at aalis na raw siya bago pa mabulgar ang ugali niya.

“Mabait ka, Marian, pero bawasan mo ang pagkamatampuhin mo. Kapag may sinabi sa iyo si Dingdong (Dantes), ayaw mong sundin at nagtatampo ka na. Ikaw lang ang babae sa buhay niya kaya bawasan mo na ang pagkaselosa mo. Tuluy-tuloy pa rin ang suwerte mo at magbubuntis ka muli. Pero hindi ngayong taong ito, sa 2017 ka pa muling magbubuntis. Babae muli ang susunod mong anak at tatlo ang magiging anak ninyo ni Dingdong, iyong pangatlo ay lalaki na.”

Wala namang kasiguruhan ang hula, nalalaman lamang kung tama ang prediksiyon kung natupad na ito.

Samantala, nagpasalamat si Marian sa mga sumusubaybay ng kanyang Yan Ang Morning araw-araw, 9:30 AM, at ng Sunday Pinasaya. Labis-labis din ang pasasalamat niya sa mga sumusubaybay ng epic-serye nilang Encantadia na nagti-trending nationwide and worldwide gabi-gabi. Alam daw nilang nakapagbibigay sila ng magandang panoorin sa viewers nila. 

Marami ang pumuri kay Marian sa pagganap bilang si Ynang Reyna Mine-A nang hamunin siya ng anak na Sang’gre na si Pirena (Glaiza de Castro) dahil gusto nang magreyna sa Encantadia. Hindi binigo ni Marian ang mga manonood nang lumaban siya kay Pirena using her skills in fighting. Convincing kasi nag-training din siya.

Medyo maluwag-luwag na ang taping schedule niya sa Encantadia kaya next month ay may GMA Pinoy TV show na sila ni Dingdong sa San Francisco at Los Angeles, California. Inamin ni Marian na nami-miss din niya ang shows abroad na madalas niyang ginagawa noong hindi pa siya kasal at wala pa silang Baby Letizia ni Dingdong. (NORA CALDERON)