ANNE copy

TABOO para kay Anne Curtis na ma-feature sa men’s magazine dahil pakiramdam niya ay hindi niya kayang mag-pose ng sexy kasama ang ibang babaeng na halos nakahubad na talaga sa pictorials.

 

Ito ang rebelasyon ng dalaga nang makatsikahan namin sa set ng Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend under Viva Films sa direksiyon ni Jun Lana.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tiyak na marami ang magtataasang kilay sa hindi pagpayag ni Anne na maitampok sa sikat na men’s magazine dahil hindi naman nalalayo ang pictorials nito sa pictorials nila sa ibang mags at sa ginagawa niya sa mga pelikula niya.

 

“Eversince I became a UNICEF advocate for children, talagang iniwasan ko na ‘yon. I think for films, puwede,” paliwanag ng dalaga. “Medyo nag-lie low na rin ako. At saka, parang it’s about time na rin, na pagdating mo na sa 31, siguro dapat ibigay mo na sa iba. But if it’s called for, let’s say, for a film, okey lang siguro. Pero ‘yung mga magazine na nagpapaano, no na lang, hindi. The only men’s magazine na nag-pose ako ay ang Rouge. FHM? No! No! No! No!”

Noon pa raw siya iniimbita ng FHM na mag-pose.

“A long, long time ago, when they asked me na they always asked me naman na baka gusto ko. Pero hindi talaga, eh.

Pero kung magagawa nila na everyone else in that magazine is covered, baka puwede. Pero, hindi ko talaga kaya. But I don’t have anything against sa women na nagagawa ‘yon sa magazine, that’s their choice, pero ako, ayoko talaga!”

Ayaw ba ni Anne na pinagpapantasyahan siya ng kalalakihan?

“Hindi sa ganu’n. Hindi mo maa-avoid ‘yon. Kung mga nakabihis sila na two-piece lang, okey lang. Pero, di ba, ang FHM, it’s a little bit more skin than usual, di ba?” sabi ng dalaga.

Paano kung si Jasmine Curtis Smith ang alukin?

“It’s her own personal decision, pero siyempre ayoko. Kakausapin ko ‘yon. ‘Hija, mag-usap muna tayo.…’ Pero she already did Esquire, at iba pang magazines. Puwede naman ang mga bikinis ‘pag fashion magazines. Okey lang ‘yon,” pahayag ng ate ni Jasmin.

Pero sa tingin ni Anne, hindi rin makukumbinsi ang kapatid niyang mag-pose dahil, “Medyo mas manang siya kaysa sa akin, ha-ha-ha, mas daring ako nu’ng bata ako. Nu’ng 22 ako, mas daring ako.”

Oo nga, mas daring si Anne dahil natatandaan pa namin na kung anu-anong isyu ang kinasasangkutan niya noong bagets pa siya dahil halos lahat ng guwapong aktor na kasabayan niya ay naging boyfriend niya at nagkaroon pa nga siya ng kissing scandal video. (REGGEE BONOAN)