NAGLULUKSA ang reality TV star na si Toya Wright sa pagkakabaril at pagkakapatay sa kanyang dalawang kapatid na lalaki sa New Orleans.

Si Wright, na dating asawa ng rapper na si Lil Wayne at ngayon ay isa sa mga bida sa Marriage Boot Camp: Reality Stars ng We TV, ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang mga kapatid sa isang emosyonal na post sa Instagram matapos ang insidente.

“Help me Lord. I will never understand this,” saad niya sa caption ng litrato ng kanyang mga kapatid.

Ipinahayag din ni Wright sa kanyang hashtags na ngayon lang niya naramdaman ang sakit na nadarama.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Natagpuan ng mga pulis ang kanyang dalawang kapatid na patay sa loob ng sasakyan na tadtad ng bala noong Linggo, ibinalita ng The Times-Picayune. Hindi pa tiyak kung ano ang pinagmulan ng karahasan at kung may naaresto na mga salarin. (Time.com)