Naglabas kahapon ng datos ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa mga nangyaring aksidente na kinasasangkutan ng pedestrian at siklista sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila.

Ikinabahala naman ito ng MMDA matapos lumitaw sa estadistika ng ahensiya simula Enero hanggang Disyembre 2015, kung saan umabot na sa 27 bicycle riders at pedestrians ang namatay habang 932 ang nasugatan dahil sa pagbibisikleta sa kalsada.

Sa 27 biktimang nasawi sa aksidente sa bisikleta ay walong insidente ang naganap sa Quezon City, apat sa Valenzuela, tatlo sa Parañaque City, dalawa sa Caloocan at isa sa mga lungsod ng Marikina, Malabon, Navotas, Las Piñas, Muntinlupa, Pasay at Taguig.

Nabatid na sa Quezon City naitala ang may pinakamaraming nasugatan sa pagbibisikleta na nasa 141 kasunod ang Pasig at Las Piñas City na may 99.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sa kabuuang bilang ng nasugatan sa pagbibisekleta, nasa 128 dito ay siklista habang 44 naman ang padestrians.

(Bella Gamotea)