Mga Laro sa Martes

(JCSGO Gym, Cubao

4 n.h. -- AMA vs Topstar

6 n.g. -- Phoenix vs Blustar

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Pinangunahan ni JK Casino ang ratsada ng Café France sa final period para pabagsakin ang AMA Online Education, 86-70, nitong Huwebes sa PBA D-League Foundation Cup, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magkasunod na three-pointer ang naibuslo ni Casino para tampukan ang 17-2 run ng Bakers para kunin ang 76-66 bentahe sa huling apat na minuto ng laro.

Inilatag ni Casino ang kabuuang 20 puntos, kabilang ang 14 sa final period bukod sa anim na assist at anim na rebound.

“Alam naman natin na shooter talaga si JK. Sa team naman namin, everybody can shoot and today was JK’s day. Thankful lang kami na na-saved niya kami,” pahayag ni Bakers coach Egay Macaraya.

Namuno si Congolese big man Rod Ebondo sa Café France sa natipang 25 puntos at 14, rebound, habang nag-ambag si Carl Bryan Cruz ng 21 puntos at walong rebound.

Nanatili sa liderato ang Bakers na may 8-2 karta, habang sibak na sa Final Four ang AMA (3-6).

Samantala, nasiguro ng Racal ang isa sa top two spots na may kaakibat na twice-to-beat advantage sa semifinals matapos igupo ang Tanduay sa pamumuno nina Jonathan Grey at Philip Paniamogan na kapwa nagtala ng tig-17 puntos.

(Marivic Awitan)