“Kwentuhan nang kwentuhan, wala namang kwenta!”

Ito ang umano ang mga katagang nagpainit ng ulo ng isang lalaki na nagtulak dito upang mamaril na nagresulta sa malubhang pagkakasugat ng tatlong lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, sa loob ng isang bilyaran sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nilulunasan sa magkahiwalay na pagamutan ang mga biktima na isa sa mga ito ay isang vendor, 15, residente ng 456 Gate 1 at isang pedicab driver, 17, residente ng 940 Gate 4, at si Orli Cardenas, 24, billiard attendant, residente ng 609 Gate 3, Area A, Parola Compound, sa Tondo.

Ang mga menor de edad na biktima na kapwa nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa ulo ay kasalukuyang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital, habang si Cardenas na nagtamo ng tama ng bala sa katawan at sa batok ay unang isinugod sa Mary Johnston Hospital ngunit kalaunan ay inilipat sa Philippine General Hospital (PGH).

National

‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilala lang sa alyas na “Jayson”, inilarawang maitim, semi-kalbo, nakasuot ng puting t-shirt at camouflage na pantalon.

Sa ulat ni PO3 Dennis Gumapac, ng Manila Police District (MPD)-Station 2, dakong 8:15 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng Billiard Place na matatagpuan sa Gate 3, Area A, Parola Compound sa Tondo. (Mary Ann Santiago)