Russian Doping

MOSCOW (AP) — Dagok sa imahe ng Russia -- tinaguriang sports super power -- ang kaliwa’t kanang suspensiyon sa kanilang mga atleta mula sa kani-kanilang international federation.

Ngunit, binuhay ni President Vladimir Putin ang pag-asa ng mga nalalabing atleta at itinaas ang kanilang morale bago ang kanilang pagsabak sa Rio Olympics sa Agosto 5-21.

Pinangasiwaan ni Putin ang send-off para sa nalalabing 100 atleta ng Team Russia at iginiit na magpakatatag at gawin ang makakaya upang maibsan ang sakit na nadarama ng bansa bunsod ng isyu ng droga na nagpataw ng kaparusahan sa kanilang atleta.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Nasa 387 ang orihinal na miyembro ng Team Russia bago pumutok ang iskandalo sa state-run doping laboratory kung saan nabulgar ang ginagawang pandaraya umano sa resulta ng doping test ng mga atleta.

Kinatigan ng International Olympic Committee (IOC) ang rekomendasyon ng International Amateur Athletics Federation (IAAF) para i-ban ang buong athletics team ng Russia sa Rio Olympics.

Ibinasura naman ng IOC ang panawagan ng World Anti-Doping Agency (WADA) para sa ‘total ban’ ng Team Russia sa quadrennial Games at ibinigay ang karapatan para magparusa sa mga sasabit sa drug test sa kani-kanilang international federation.

Sakay ng charter flight, tumulak patungong Brazil ang nalalabing 100 atleta ng Russia patungong Rio.

“We fight for those athletes who were disqualified,” pahayag ni handball player Anna Sen vowed.

“Today, as never before, we need to stay united and become a family,” sambit naman ni volleyball star Sergei Tetyuksin.