AABANTE ang Pilipinas na may kinikilalang Diyos ngunit hindi sa droga.

Eto ang mission-vision statement ng Pilipinas base sa mga ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng mga church leaders na sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw ng Pangulo at ng Simbahang Katoliko, maraming bishop ang natuwa nang sabihin ng Pangulo na ”no separation between God and State.”

“I hope it is intentional on his part...,’” ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Laity (CBCP-ECL)

Nang marinig ang unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, sinabi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na natuwa siya na sinabi ng Pangulo ang ”truth.”

“We should never lose our focus on God. Hopefully good change will come,” dagdag ni Ongtioco.

Kahit na nadismaya ang ilang bishop sa pag-uutos ni Duterte sa full implementation ng Reproductive Health (RH) Law, sinabi ni Bataan Bishop Ruperto Santos na positibo at nakakatuwa ang SONA ni Pangulong Duterte.

“The President is magnanimous and forgiving. He did not resort to finger pointing on the sins of the past. He has compassion and concern for our OFWs,” pahayag ni Santos.

Nagpahayag din ng pagsang-ayon ang iba pang bishop sa pagdedeklara ni Duterte ng isang unilateral ceasefire sa pagitan ng mga Pula—ang CPP, NPA, at ang NDF— at Muslim groups.

Tigil-putukan ay “very good SONA,” sambit ni Bishop Dinualdo Gutierrez ng Marbel, South Cotabato.

Ayon naman kay Basilan Bishop Martin Jumoad, nais talaga ng Pangulo na mapagkaisa at maging mapayapa an gating bansa.

“The President is sincere…we welcome these changes,” ani Jumoad.

Samantala, ipinahayag ng Pangulo ang pakikipaglaban sa ilegal na droga.        

   

“No mercy” sa mga grupong sangkot sa illegal drug operations diin ni Duterte.

“If I had just the plane and time I could…as I’ve told the military, bomb it,” pahayag ng Pangulo sa kanyang speech nago ang joint session ng Kongreso.

“Show no mercy to them because they are not doing any mercy to us anyway,” aniya. (Fred M. Lobo)