270716_Suspect Cyclist Shooting_02_GANZON copy

Reservist ng Philippine Army (PA) ang itinuturong suspek sa pagpatay sa 35-anyos na gaming attendant na nag-ugat umano sa away-trapiko sa Quiapo, Manila noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Senior Ins. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, ang suspek na si Vhon Martin Tanto, 39, ng 358 Fraternal Street, Quiapo, Manila ay positibong kinilala ng isa nilang testigo, na siyang nakaaway at pumatay sa biktimang si Mark Vincent Geralde, 35, dakong 9:36 ng gabi sa P. Casal Street sa Quiapo.

Kuhang-kuha sa footage ng closed-circuit television (CCTV) ang buong pangyayari at nag-viral sa mga social networking site.

Kahayupan (Pets)

Public apology ng 'pet-friendly' resto, hindi raw katanggap-tanggap?

Sa isang pulong-balitaan kahapon ng tanghali, nilinaw naman ni Anicete na MO 3745 ang conduction sticker ng kulay pulang Hyundai EON na sasakyan ng suspek, at hindi MO 3746 na unang naiulat.

Nilinis din nito ang pangalan ng isang Nestor Punzalan, na napilitang lumutang sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos tukuyin ang conduction sticker ng kanyang sasakyan.

Sinabi ni Anicete na nakilala si Tanto sa Barangay 385, Zone 39 kung saan naganap ang krimen dahil tagaroon din ito at una nang kumuha ng barangay clearance para makapag-aral ang kanyang anak.

Pinuntahan na umano nila si Tanto sa tahanan nito ngunit wala na ito doon at wala na rin ang kanyang sasakyan.

Tiniyak naman ni Anicete na ipadadakma niya sa mga operatiba si Tanto sa sandaling hindi ito sumuko sa kanyang tanggapan para harapin ang kanyang pagkakamali. (Mary Ann Santiago)