MELAI AT JASON copy copy

KAMI ang unang nagsulat na nag-away at naghiwalay na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco dahil sa kawalan ng oras nila sa isa’t isa sa pagiging busy sa kani-kaniyang project.

We Will Survive at Magandang Buhay ang mga programa ni Melai samantalang sa katatapos na Super D naman huling napanood si Jason.

Sinulat naming nag-iiyak si Melai sa dressing room ng Magandang Buhay pagkatapos ng episode nila at kinalma siya ng co-hosts niyang sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: Ang Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar

Nang araw din mismong iyon, guest si Jason sa It’s Showtime kaya inabangan siya ng TV reporters para hingan ng komento, pero mariin niyang itinangging nag-away o naghiwalay na silang mag-asawa.

Napabalitang okay na ulit ang dalawa, pati si Melai ay nag-post pa sa social media account niya na okay na sila.

Pero ang ending, hiwalay na sila ngayon base na rin sa open letter ni Jason na ipinost niya sa Instagram account niyang @babymelaifrancisco nitong nakaraang Martes.

Napakahaba ng sulat ni Jason, inilabas niya ang lahat ng sama ng loob niya, kaya umabot ito sa anim na pahina ng yellow paper.

Simula’t sapul pala ay may usapan ang mag-asawa na kapag nagkaroon sila ng serye ay hindi sila dapat magkaroon ng partner o ka-love team, pero hindi ito nangyari dahil sa programang We Will Survive ay binigyan ng partner Melai, si Carlo Aquino.

Binanggit naman daw ng komedyana sa asawa na sa pilot week lang siya may partner para i-establish ang kuwento, pero nagustuhan iyon ng viewers kaya na-retain ang tambalang Melai at Carlo.

Hindi nagustuhan ni Jason ang lahat ng mga nangyayari sa programa ng asawa at binanggit pa ng aktor na nakiusap daw sila sa management at sa production ng We Will Survive na ibahin ang script at madali naman daw kung talagang gugustuhin.

Kaso hindi naman daw kasi malaki ang pangalan ng Melason kaya hindi sila pinansin. Ikinumpara pa ni Jason ang status nila kay Sharon Cuneta, kaya raw hindi pinagbigyan ang pakiusap nila.

Sabi ng aktor, “Kasi ayaw kong may ibang humahawak sa asawa ko.”

Dumating sa puntong hindi na sila nag-uusap ni Melai at magkahiwalay na rin ng tulugan.

“Hanggang sa dumating ang punto na nanlalamig na kaming mag-asawa sa isa’t isa, ‘di na nagpapansinan sa bahay,” saad ni Jason sa kanyang open letter.

“Hanggang sa ako’y sa kabilang kuwarto na natutulog. Almost two months na kaming ganu’n. Ako’y iyak nang iyak parati, ‘di pa ako nakaranas ng ganoong iyak sa buong buhay ko, sa lungkot na nangyayari sa amin, hanggang sa dumating na parati na kaming nag-aaway.

“Nagkahiwalay na po kami. Wala na po ang Melason. OA (over acting) po ako magmahal sa asawa ko dahil “di po ako showbiz, eh, sa akin lang ay dapat may isinasangalang-alang ka, dahil po iba-iba po tayo ng sitwasyon sa buhay.”

Sa point of view ng mga nakabasa ng open letter ni Jason ay napakababaw na dahilang ito para pag-awayan at paghiwalayan ng Melason, kasi trabaho lang ang pakikipagtambalan ni Melai, at higit sa lahat ay pareho namang para sa kapakinabangan nilang mag-asawa at ng kanilang anak kaysa wala silang assignments.

Dapat daw ay nilawakan ni Jason ang pang-unawa kay Melai lalo’t mas malakas kumita ang komedyana kumpara sa kanya.

Malamang na dito na pumasok ang insecurity, hindi matanggap ni Jason ang lahat at sabi nga niya, hindi siya showbiz.

Pero bakit nga ba siya pumasok sa showbiz, in the first place?

Wish naming magkaayos ang Melason para sa anak nila. Mahirap ang hindi buo ang pamilya lalo na kung bata pa ang anak.

Hmmm, ito kaya ang dahilan kaya tinapos kaagad ang We Will Survive -- dahil hindi naka-survive ang relasyon nina Melai at Jason? (REGGEE BONOAN)