DANIEL1 copy copy

NA-EXTEND ang sitcom nina Karla Estrada at Bayani Agbayani na Funny Ka, Pare Ko sa CineMo. Nagri-rate daw kasi ang show, to think na hindi nito igini-guest ang anak na si Daniel Padilla para makahatak ng viewers.

‘Yun nga lang, marami ang nagtatanong kay Karla kung bakit hindi niya binibigyan ng cameo role ang anak sa kanilang sitcom?

“Oo ni-request ko. I think sa last day namin ng second season. Hindi kasi masingitan ng schedule dahil nga patuloy na nagsu-shooting ngayon from Barcelona na umuwi sila dito,” paliwanag ni Karla.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

May mga nagtatanong din kay Karla kung siya ba ang may kagagawan sa bagong hairsyle ng anak. Bago kasi ang ayos nito sa ASAP last Sunday at naging trending topic ito sa social media.

“Oo nga, naloka nga ako kasi ‘yung isang kaibigan namin tumawag kahapon, sabi niya, ‘Kung anu-ano na ginagawa ko para mag-trending, ‘yung buhok lang ng anak mo nag-trending. Buhok lang niya nag-trending?’ Nagmukhang mama. In preparation ‘yan for the movie. Kasi papunta na du’n, eh. Para laging may bago. Ang paghahandaan mo lagi ‘yung magagandang roles na pa-mature na pa-mature. Si Daniel nag-iisip na. Hindi na ako,” masayang kuwento ni Karla.

(ADOR SALUTA)