JAMES AT NADINE copy copy

ANO ang nangyari kay James Reid at hindi raw nito sinipot ang launch ng librong Team Real at DVD ng This Time sa Trinoma Activity Center nitong nakaraang Linggo?

Tsika ng mga kaibigan naming nasa Trinoma nang araw na ‘yun, punum-puno raw ng JaDine fans ang buong ground floor ng nasabing mall at nakabibingi ang hiyawan na tinatawag ang pangalan ni James.

Ipinahayag naman daw ni Nadine na hindi makakarating ang ‘hubby’ niya pero walang ibinigay na dahilan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero sitsit naman ng aming source, nagpapahinga si James na sobrang napagod. Napakunot-noo kami, saan napagod? Sa taping ng bago nilang seryeng Till I Met You? E, bakit si Nadine nakasipot sa event?

Hmmm, hindi kaya sinumpong ng hika si James, Bossing DMB? Remember, ito ang sakit ng aktor, di ba?

Anyway, kahit wala raw si James ay nag-enjoy pa rin ang lahat dahil sobra naman silang napasaya ni Nadine na may production number pa to the max at talagang may-I-sign ng autograph sa lahat ng mga bumili ng kopya ng libro at DVD.

Hindi nabanggit sa amin ng aming source kung ilang kopya ng Team Real at This Time ang naibenta ng Viva noong Linggo.

(REGGEE BONOAN)