NEW YORK (AP) – Magtatanghal ang U2 at sina Drake, Britney Spears at Sting sa 2016 iHeartRadio Music Festival sa Setyembre.

May kanya-kanyang performance rin sina Sia, Billy Idol, Ariana Grande, Usher, Sam Hunt at ang Florida Georgia Line duo sa dalawang-araw na event sa T-Mobile Arena sa Las Vegas sa Setyembre 23-24, inihayag ng iHeartMedia nitong Lunes.

Ibebenta ang tickets sa Sabado.

Kabilang din sa sangkatutak na performers sina Pitbull, Zedd, ang Twenty One Pilots, OneRepublic, Cage the Elephant, at Tears for Fears.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tampok din sa festival ang daytime performances na tinaguriang Daytime Village, sa Las Vegas Village. Magtatanghal dito ang Panic at the Disco at Good Charlotte, gayundin sina Sam Hunt, Alessia Cara, Troye Sivan, Hailee Steinfeld, Jeremih, at Bryson Tiller.

Ipalalabas ng CW Network ang dalawang-araw na televised special sa Oktubre 6-7.