ALDEN copy

MULING nainterbyu si Alden Richards ng Filipino journalist na si Rico Hizon na based sa BBC Singapore last Sunday bago ginanap ang concert niyang One Fine Day With The Bae sa Kallang Theatre in Singapore.

Unang nainterbyu ni Rico si Alden kasama si Maine Mendoza noong nagsu-shooting pa sila ng first movie nilang My Bebe Love #Kilig Pa More with Vic Sotto and Ai Ai delas Alas last year. Ngayon, kahit mag-isa lang si Alden, ang tungkol pa rin sa relasyon nila ni Maine ang itinanong sa kanya at naging casual ang pag-uusap nila na live na napanood sa BBC at 2:00 PM last Sunday.

Sa kanilang walang label na relasyon: “I think the people know already what they see on and off camera, that’s Maine and Alden – it’s true, it’s real, it’s genuine.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa mga nagsasabing “just an act” ang feelings nila sa isa’t isa: “Maine and I have to be respected for what we have now. We don’t need to elaborate or expounded whatever we have because it’s a relationship between the both of us. So I think, people should respect that.”

Sabi ni Rico, obviously, gusto nilang panatilihing private ang relasyon nila.

“Every now and then, I see to it that I make an effort to have quality time with her off cam.”

Ang huling tanong ni Rico ay kung nagsasabihan ba sila ni Maine ng ‘I love you’. Ang sagot ni Alden: “I think I should answer that when Maine is with me.”

Nagkatawanan sina Alden at Rico sa sagot na ito.

Bago rin ginanap ang concert, nagkaroon ng #AskAlden at ipinagamit for the first time ng Twitter ang kanilang application sa isang Kapuso artist para makapagpadala agad ng sagot sa tanong saan man ito nanggaling. Sinagot namang lahat ni Alden ang mga katanungan lalo na ang mga may kinalaman kay Maine. Ang ilan sa mga ito ay lumabas sa Twitter timeline ni Alden.

Isa sa mga itinanong ang term of endearment niya kay Maine: “I usually call her ‘Menggay.’

Kasamang nag-show ni Alden sa Singapore ang Kapuso actress-singer na si Aicelle Santos at dahil comfortable na sila since nagkasama na sila sa Eat Bulaga, nagkalaglagan ang dalawa. Kasama kasi ni Aicelle ang boyfriend niyang news reporter na si Mark Zambrano ng GMA News & Public Affairs.

Ang isa sa mga tanong ni Alden kay Aicelle: “In a scale of 10, gaano ka ka-in love?” Sagot ni Aicelle: “Ten! Ikaw?”

Sagot ni Alden: “Ten din!” Ang lakas ng naging tilian at hiyawan ang audience na binubuo ng Alden International at AlDubMaiden fan clubs sa Singapore.

Very successful ang show na kinabilangan din ni Kim Idol. Kaya nag-post ang Daddy Bae ni Alden sa Instagram account nito ng: ”Walang sawang pasasalamat sa inyong walang sawang suporta. Salamat po!”

Nagpasalamat din sa audience at sa kanyang Twitter account si Alden: “Singapore left me speechless. Maraming salamat po.”

Kagabi lang umalis ng Singapore si Alden pabalik ng Manila. First timer sa Singapore, sinamantala na niyang pumasyal sa Universal Studios kasama ang first cousin niyang si April Peñaranda at mga PA niyang sina Leysam at Tenten. Back to work na today si Alden sa kalyeserye ng Eat Bulaga. (NORA CALDERON)