Craig copy

HALOS sampung araw matapos matagpuang patay ang kanyang anak na si Jerry pagkatapos ng tubing accident, naglabas na ng pahayag ang country singer na si Craig Morgan.

“The loss of our son Jerry is the hardest thing we have ever had to endure as a family. Karen and I are so grateful for all of the wonderful people who have shown us unwavering support during this difficult time,” saad ni Morgan sa isang Facebook post kasama ang litrato ng 19-year-old na anak. 

Sabi pa ni Morgan sa kanyang statement, nagpapasalamat siya sa napakaraming tao at public agencies, kasama ang county sheriff, fire depatments at mga kaibigan at pamilya, na tumulong sa paghahanap kay Jerry. 

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

“We are blessed by the outpouring of prayers and condolences from across the world. Jerry may be gone from this earth, and we will miss him every day, but his spirit will live on in our hearts,” Dagdag ni Morgan. “We will find peace knowing that God has a bigger plan, and that one day, we’ll be reunited with him again in Heaven.” 

Nawala si Jerry nang magkaroon ng boating accident nitong kalagitnaan ng Hulyo, nahulog siya sa tube at lumubog sa tubig, ngunit hindi lumutang kahit may suot siyang life vest. Natagpuan ang katawan ni Jerry sa lawa pagkaraan ng isang araw.

Hindi pa rin malaman ang dahilan kung bakit hindi siya kaagad lumutang.

“This was just a tragic accident as far as hitting a wave and coming off (the tube) and not coming up,” sabi ni  

Sheriff Chris Davis nang maganap ang aksidente. (People.com)