MAT EVANS LANG_pls crop copy

MUKHANG nag-i-enjoy na si Matt Evans na gumanap bilang bakla na matatandaang ginampanan na rin niya noon sa Maalaala Mo Kaya. Muli siyang gaganap na beki sa upcoming seryeng The Greatest Love bilang mabait na anak ni Sylvia Sanchez na may dementia.

Kaya sa presscon ng The Greatest Love, tinanong si Matt kung kampante na siya sa gay roles.

“Kaya ko po tinanggap kasi light, romantic comedy. Kahit po ‘yung una ko sa MMK noon, sobrang naging madali po sa umpisa para sa akin kasi si Direk Don Cuaresma po ang direktor ko noon, kaya siya na po ‘yung peg ko nu’ng time na ‘yun.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“’Tapos ngayon, napakahirap po kasi heavy drama itong gagawin ko, medyo kailangan kong mag-immersion, halos lahat nga po ng dumadaan sa harap ko masama tingin sa akin kasi from head to toe, tinitingnan ko sila.

“Lahat po talaga ng nuisances pinag-aaralan ko kasi para sa akin na mahirap po talaga at alam ko maraming matutuwa kapag nakapag-perform po ako ng maayos,” sagot ni Matt.

Bago ginanap ang presscon ay nakasalubong namin si Matt na karga-karga ang anak niyang babaeng super cute at artistahin din dahil nu’ng sinabing kukunan ng litrato ay nag-pose agad ang bagets.

Ang nakakatuwa kay Matt simula nu’ng unang season ng Pinoy Big Brother ay hindi siya nagbago. Katunayan, sa tuwing makikita kami ay nagbibigay-pugay siya at nu’ng nakita nga namin silang mag-ama ay kaagad niyang ipinakilala ang kanyang anak sabay turo sa asawa’t panganay na anak na nasa sasakyan na.

“Galing po kami pictorial ng Greatest Love, isinama ko sila para bonding namin kasi sobrang busy ko na po,” kuwento ng aktor.

In fairness, lapitin ng suwerte at hindi nawawalan ng project si Mat dahil, ayon na rin sa mga taga-production, hindi nila sakit ng ulo ang aktor at napaka-professional at mahusay makitungo sa mga katrabaho.

Oo nga, puring-puri ni Ibyang ang gumaganap na mga anak (Mat, Andi Eigenmann, Arron Villaflor at Dimples Romana) niya sa The Greatest Love na hindi lang magagalang kundi magagaling ding umarte.

Sobrang thankful si Matt sa blessings na natatanggap niya ngayon at sa ABS-CBN bosses na hindi siya pinabayaan o binitiwan kahit dumaan na siya sa maraming pagsubok. (REGGEE BONOAN)