MAGPAPAALAM na ang Teen Wolf.

Inihayag na ng show creator na si Jeff Davis at ng cast noong Huwebes sa Comic-Con, na ang supernatural MTV series ay nalalapit na sa katapusan pagkatapos ng ikaanim na season.

Nagpasalamat ang Teen Wolf star na si Tyler Posey sa suporta ng kanyang fans, na nasa Ballroom 20 sa San Diego Convention Center, sa palabas sa loob ng limang taon.

Noong 2011, naglabas ng alternatibong interpretasyon sa comedy film series na pinagbidahan ni Michael J. Fox, na may mas madilim na istorya tungkol sa grupo ng mga lobo.

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

Dagdag pa ng cast, ang panghuling season ay magkakaroon ng time-bending storylines at panibagong mga kalaban na tinatawag na “ghost riders.” (MB Entertainment) (Isinalin ni Adrianne Diaz)