JOEY AT COLEEN copy

ANAK na ipinaampon, nalulong sa alak, at kalauna’y magkakasakit sa pag-iisip ang papel na mapangahas na gagampanan ni Coleen Garcia sa pinakaunang Maalaala Mo Kaya episode na kanyang pagbibidahan ngayong gabi.

Si Pauleen (Coleen) ay anak sa labas ni Bernard (Joey Marquez). Dahil sa hirap ng buhay, napagdesisyunan ng ama na ipaampon siya sa kanyang malayong kamag-anak na si Loling (Loli Marra).

Magpapatuloy ang buhay ni Bernard hanggang sa tuluyan niyang naayos ang kanyang relasyon sa asawang si Melda (Alma Moreno). Sila ay muling nagsama at nagkaroon pa ng mga anak.

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully ng church members nito

Dumaan ang mahigit isang dekada nang muling magpakita si Loling kay Bernard dala ang nakalulungkot na balita. Simula nang nalaman ni Pauleen na ampon siya ay naging palainom na ito at pinaniniwalaang gumagamit na ng bawal na gamot.

Itinuring ito ni Bernard bilang pagkakataon na makabawi sa anak. Subalit, kahit nasa pangangalaga na ni Bernard si Pauleen ay hindi pa rin napigilan ng dalaga ang sarili na bumalik sa mga nakasanayang ugali at bisyo.

Maihanap kaya ni Bernard si Pauleen ng tulong kailangan nito? Bubuti pa kaya ang kalagayan ni Pauleen?

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina Jerry O’hara, Kristel Fulgar, Nikki Bagaporo, Amy Nobleza, Brace Arquiza, at Gilleth Sandico, mula sa panulat nina Mae Rose Barrientos at Arah Jell Badayos at sa direksyon ni Elfren Vibar.