HINDI na nakagugulat na si Leonardo DiCaprio ay mayroong mayayaman at sikat na mga kaibigan. At napatunayang generous din pala ang mga ito.

Nakalikom si Leo at ang kanyang mga kaibigan ng $45 million para sa kanyang environmental foundation sa third-annual charity gala ng actor sa St. Tropez noong Miyerkules ng gabi. Ipagkakaloob din ni Leo ang bahagi ng nalikom na pera sa mga pamilya ng mga biktima at survivors ng terrorist attack sa Nice, France noong nakaraang linggo.

Dumalo sa gala sina Mariah Carey at Chris Rock. Nag-post si Chris ng litrato sa kanyang Instagram na may caption na, “new couple alert.” Ngunit biro lamang ito dahil si Mariah ay engaged sa billionaire na si James Packer, na nasa party rin.

Nagkasama din sa isang litrato sina Jonah Hill, Tobey Maguire at Edward Norton kasama ang man of the night. Kabilang din sina Marion Cotillard, Penelope Cruz, Robert De Niro, Scarlett Johansson, Kevin Spacey, Kate Hudson at Charlize Theron sa mga celebrity guests ng star-studded event.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tampok sa gabi ang premium entertainment mula sa The Weekend, Lana del Rey at Andrea Bocelli.

Si Leo ang naging host sa subasta na kinabibilangan ng kanyang sariling Rolex watch at isang pares ng diamond cufflinks na isinuot niya nang manalo siya ng Oscar para sa The Revenant.

In true DiCaprio fashion, ang gala ay dinaluhan din ng maraming beauties. Nagbahagi ang modelong si Doutzen Kroes ng litrato mula sa party kasama ang ilang long-legged friends nito. (CNN)