INAMIN ni Mila Kunis na nagsimula ang relasyon niya sa kanyang asawa na si Ashton Kutcher sa mga pelikula – sa katotohanan, sa kanilang mga pelikula.

Ibinahagi ni Kunis, 32, kung paano naging romantic ang kanyang relasyon kay Kutcher matapos ang ilang taong pagkakaibigan habang siya ay lumabas sa The Howard Stern Show, noong Martes.

Sinabi ng aktres na habang patuloy ang kanilang komunikasyon pagkatapos ng That ‘70s Show, walang nagbago sa samahan nila hanggang sa nagkasalubong sila sa isang award show.

“I see this guy and I see his back and he’s really tall,” sabi ni Kunis tungkol sa muling pagkikita nila ni Kutcher, na kakahiwalay lang kay Demi Moore noong panahon iyon. “Then he just turns around and it was literally like if we were in a movie, the music would start playing and the violins would go. I think for the first time ever he took my breath away – I was like f---, he’s good-looking.”

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Pagkatapos magkamustahan, sinabi ni Kunis na inimbitahan siya ng actor, 38, sa housewarming party nito. At bagamat natuklasan kalaunan na balak sana ni Kutcher na ireto si Kunis sa isang kaibigan niya, hindi pa rin maitatanggi ang sparks nilang dalawa. 

“Long story short, I didn’t leave until the next morning,” pagbubunyag ni Mila. “[It was the] first time I ever slept over while I was single.” 

Sinabi ni Kunis na nagdesisyon siya at si Kutcher na panatilihin ang mga bagay na casual sa simula, na sinasabi din nila sa isa’t isa kapag pumupunta sila sa mga date kasama ang ibang tao. Pero natural lamang na hindi iyon nagtagal.

Pabirong sabi pa ng aktres, sumasalamin ang kanilang relasyon sa mga pelikulang Friends With Benefits at No Strings Attached: “If we had just paid attention to those movies we should have known s--- like this does not work out in real life.” 

Pagkaraan ng tatlong buwan na casual dating, napagdesisyunan nila na gawing exclusive ang kanilang relasyon. “We were incredibly open with each other in regards to where we were with our feelings,” sabi ni Kunis. 

Isinilang ang kanilang unang anak na si Wyatt Isabelle noong Oktubre 2014, at kasalukuyang naghihintay sa pagsilang ng kanilang pangalawang anak. Ikinasal sila noong Hulyo 2015. (People.com)