Luis at Jessy (PLEASE CROP) copy

KNIGHT in shining armor ang role ngayon ni Luis Manzano sa buhay ni Jessy Mendiola dahil ipinagkatiwala pala ng aktres ang Instagram account niyang senorita_jessy na may 2M followers para ipagtanggol siya ng TV host.

Inamin ni Jessy nang makapanayam ng ilang entertainment reporter sa isang presscon na ibinigay niya ang password ng IG account niya kay Luis para ito na ang mag-manage at sumagot sa bashers niya.

Nabanggit pa ni Jessy na wala siyang ginagawang masama kaya nagtataka siya kung bakit siya bina-bash at pinagbibintangang inagaw daw niya si Luis kay Angel Locsin gayong ang pagkakaalam niya ay hiwalay na ang dalawa nang magkalapit sila ng TV host.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Nagiging emosyonal daw si Jessy sa pagtatanggol niya sa sarili at para mabawasan ang stress niya ay nagsabi si Luis na huwag na siyang magsasagot sa bashers at ito na ang bahala.

Sabagay, nabanggit din naman ng TV host na mapagpatol siya sa bashers at wala siyang inuurungan.

Kaya iisa ang sabi ng lahat, magdyowa na sina Luis at Jessy dahil kung talagang walang relasyon ang dalawa, bakit mo ipagkakatiwala ang Instagram account mo nang basta ganoon na lang?

Mukhang tama nga si Angel, aaminin din nina Luis at Jessy sa tamang panahon ang relasyon nila. (REGGEE BONOAN)