CONCEPCION, Tarlac - Arestado ang limang hinihinalang drug pusher matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Concepcion Police sa Cope Subdivision, Barangay Alfonso, Concepcion, Tarlac.

Sa report ni PO3 Aries Turla, naaresto sina Allan De Leon, 38; Ali Othman Hassan Albayat, 26, kapwa ng Cope Subdivision; Jing Salas, 45, ng St. Jude Village, Bgy. Alfonso; Marvin De Leon; at Arlene Dalusung, 24, ng Bgy. San Nicolas Poblacion, Concepcion, Tarlac.

Napag-alaman na nagbenta si De Leon ng isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi matiyak na gramo ng shabu kapalit ng P500 marked money sa poseur buyer na si PO1 Jerrold Balayo.

Nakatanggap din ng intelligence report ang pamunuan ng Concepcion Police tungkol sa pagbebenta ni De Leon ng shabu sa Cope Subdivision hanggang nadakip ang apat pang suspek at nakuhanan ng umano’y shabu at drug paraphernalia. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog