Tinalakay nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr. at European Union High Representative at Vice President of the European Commission (HR/VP) Federica Mogherini ang mga interes at concern sa pagitan ng Pilipinas at EU, partikular sa kapayapaan at seguridad ng rehiyon, Mindanao peace and development at bilateral agreements sa sidelines ng 11th ASEM Summit sa Ulaanbaatar, Mongolia nitong Sabado. 

Kasunod ng award ng arbitral tribunal kaugnay sa mga merito ng inihaing kaso ng Pilipinas ukol sa South China Sea, ibinatay ni Mogherini ang kanyang opisyal na pahayag sa posisyon ng EU na inisyu noong Hulyo 15, kung saan kailangan ang payapang pagresolba sa mga iringan, pagrespeto sa international law at  patuloy ang malayang paglalayag (navigation)  at over flight.

Sa komento ni Mogherini, ang agarang panawagan ng Pilipinas na maging mahinahon ay wasto at matalinong pagtugon o aksyon.

Sa Mindanao, nagpasalamat si Yasay sa patuloy na suporta ng EU sa pagsusulong ng kapayapaan at pagbabago sa rehiyon. Patunay na tumitibay ang ugnayan ng Pilipinas at EU sa inaasahang pagpasok ng PH-EU Partnership and Cooperation Agreement (PCA) at ang umaarangkadang negosasyon sa PH-EU Free Trade Agreement.  

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Nagkasundo ang dalawang ministro na ituloy ang pagsasagawa ng high-level bilateral meetings sa Manila, Brussels o sa sidelines ng ibang internasyunal na pulong gaya ng ASEAN. - Bella Gamotea