ROCCO copy

KASALI sa big casting ng Encantadia 2016 version ang ex-boyfriend ni Lovi Poe na si Rocco Nacino sa role na Aquil na kulang na lang ay word na ‘you’, (para tunog aikill u, insert smiley, u). During the one-on-one interview sa grand presscon ng bagong Telebabad serye of Kapuso Network, tinanong ni Yours Truly kung napalitan na ba niya sa puso niya si Lovi dahil una niyang sinabi na naghahanda na siya para sa kanyang future kabuhayan-ek.

Ang sagot niya: ”Wala pa nga, eh. Pero darating din ‘yan, hindi hinahanap.”

May possibility ba na magkabalikan sila ni Lovi?

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

“Ah, I doubt... I doubt. Pero hindi natin alam ‘coz doors will be open. Nakadalawang taon din naman kami. Pero sa ngayon trabaho muna. Very positive lang dapat. Ano naman siya, eh, it was a relationship without regrets. We loved truly.

“At ang maganda ay napasaya ko siya na naging bahagi ako ng kanyang buhay. At okay lang kung ma-link siya sa iba ‘coz kanya-kanya na kaming buhay sa ngayon,” masayang sagot ni Roco with matching maaliwalas na fezlak na tipong naka-move on na ngang talaga sa break-up nila ni Lovi.

‘K, good!

Suwerte niya at madali siyang naka-move on para hindi na siya sing ng awiting may lyrics that goes... it’s a heartache, nothing but a heartache... ‘coz ‘yung iba diyan kasi it takes years bago maka-move on sa hiwalayan blues ng kani-kanilang naging labs.

Who knows, at ma-catch ng kanyang hunk and charming looks ang heart ng tatlong co-stars niya sa Encantadia requel na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez na tipong loveless din sa ngayon na tulad niya, devah naman, kapatid na Dindo Balares?

‘Niwey, catch the enchanting story of Encantadia 2016 starting this July 18, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad under the direction of Mark Reyes. (MERCY LEJARDE)