Posible umanong may kinalaman sa lupa at pulitika ang motibo sa pagpatay sa dating barangay chairman na masugid na tagasuporta ni Valenzuela City Mayor Rexlon T. Gatchalian.

Ito ngayon ang tinututukang anggulo ng Valenzuela City Police sa pamamaslang kay Marcelo “Elo” de Guzman, 62, dating kapitan ng Barangay Parada, residente ng No. 40 P. De Guzman St., ng nasabing barangay.

Si De Guzman ang barangay secretary sa kanilang barangay at naglingkod bilang village chief noong 2002 hanggang 2013.

Base sa imbestigasyon, tinambangan at pinagbabaril ng riding-in-tandem ang biktima sa labas ng kanilang bahay dakong 7:30 ng umaga, habang papasok sa barangay hall.

National

KMP Chair Ramos sa Martial Law anniv: 'Nevel Again, Never Forget!'

Tinamaan ng bala ng cal. 45 sa ulo ang biktima ngunit hindi tinangay ng mga salarin ang kanyang motorsiklo.

(Orly L. Barcala)