JAYA copy copy

KAPAMILYA na si Jaya.

Mas magiging mahigpit ang tagisan ng galing sa kantahan ng mga Pinoy ngayong isa na rin sa mga hurado si Jaya sa sikat at inaabangang patimpalak sa pag-awit tuwing tanghali, ang “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime.

Makakasama na si Jaya ng mga de-kalibreng hurado na kikilatis sa talento ng mga mang-aawit mula Luzon, Visayas, Mindanao, at Metro Manila na tiyak na kasasabikan ng mga manonood.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Lubos naman ang kasiyahan ng Queen of Soul para sa pagkakataong makapagbahagi ng kaalaman at karanasan sa aspiring singers ng bansa sa entablado ng “Tawag ng Tanghalan.”

Makakasama ni Jaya sina Kyla, Erik Santos, at Maestro Louie Ocampo bilang pinakabagong mga hurado ng Quarter Three ng patimpalak. 

Huwag palampasin ang galing ng Pinoy sa kantahan ng singing competition na minahal ng masa, ang “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime tuwing tanghali sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa TawagNgTanghalan.abs-cbn.com/livestream tuwing tanghali at i-follow ito sa Twitter (@TNTABSCBN) at sa instagram (@TawagNgTanghalan). I-like din ang Facebook page nito safacebook.com/TawagNgTanghalan.