Bea at Gerald copy

MALAYA na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson kung gugustuhin man nilang magkabalikan, sabi ng mga katoto sa presscon ng pelikula nilang How To Be Yours dahil pareho silang single.

Nagkaroon ng panandaliang relasyon sina Bea at Gerald na pinaputok namin sa pahinang ito ilang taon ang nakararaan at pilit nilang itinago, pero nabuking pa rin nu’ng mahuli sila ng TV camera habang patakas galing sa Star Magic ball.

Ang sagot ni Gerald nang tanungin kung may idini-date siya ngayon, “Wala, eh. Walang oras, ang dami ko kasing commitment sa career at sa ibang ginagawa.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Hindi naman po ako naghahanap ng girlfriend, but hindi naman nakasara ang pinto at open naman sa posibleng mangyari sa buhay which is siguro lang, naka-focus ako sa ibang bagay.”

Edad 15 pa lang at nasa General Santos City pa noon ang aktor ay crush na niya si Bea.

“Wala po akong kaalam-alam sa showbiz, hindi ako nakakaintindi ng Tagalog, pero ‘yung isang kaibigan ko nanonood siya ng TV sa amin ng soap, ‘tapos nakita ko siya, ‘yung soap na Ikaw Ang Lahat Sa Akin, ‘tapos sabi ko, ‘sino ‘yan?’ Sabi ng kaibigan ko, siya nga raw si Bea Alonzo.

“Galing akong Amerika, isang taon pa lang ako sa Gensan at mga 14 or 15 years old pa lang ako, tapos 16 years old naman siya,” kuwento ng aktor.

“Siyempre nakakababae, nakakakilig,” reaksiyon ni Bea, “pero nu’ng dati, sinasabi n’ya ‘yun sa akin, nu’ng una hindi ako naniniwala, kasi baka pick-up line lang niya, pero sa pagiging consistent niya in how many years, naniwala na ako.”

Kaya nang maging girlfriend ni Gerald si Bea nu’ng nag-showbiz na siya, hindi siya makapaniwala.

“Sobrang unbelievable. Nu’ng nag-shooting nga kami, first day namin, sobrang hirap na hirap ako, hindi ako makapaniwala na nu’ng kaeksena ko siya, unang eksena namin, lalabas siya ng gas station at may dala siyang kape, pagharap ko sa kanya, ‘hala-hala, sabi ng isip ko, oh no, oh no’, ano’ng nangyayari as in natulala ako. Sobrang grateful ako na ‘nilagay ako ni Papa God sa ganitong sitwasyon,” kuwento ni Gerald.

Nanghihinayang ba si Gerald na pinakawalan niya si Bea?

“Oo naman, oo, ako. Sabi nga niya, sabi ko nga immature pa ako noon and at the same time natakot ako sa mga nangyayari sa paligid namin, hindi ko alam kung paano i-handle. Walang third party sa paghihiwalay namin.”

Sinang-ayunan ni Bea na walang third party sa paghihiwalay nila ni Gerald. Pati ang pagiging immature ng ex-boyfriend ay inoohan din niya.

Walong buwan na ring single si Bea at hindi niya itinangging friends sila ng huling boyfriend niyang si Zanjoe Marudo na nakakasama pa rin niyang lumabas.

“Never naman kaming hindi naging friends, hindi kami nag-away kaya until now, magkaibigan kami. Hindi ko alam kung magkakabalikan, pero kasi ngayon, magkaibigan kami at lumalabas talaga kami,” kaswal na sabi ni Bea.

Klinaro rin ng aktres ang pagkaka-link niya kay Paulo Avelino, na magkaibigan sila. Nakikita rin kasong lumalabas din sila kasama si Enchong Dee at ang iba pang taga-Star Magic.

Tinanong sina Bea at Gerald kung nagkaroon ng closure ang relasyon nila kasi nga hindi naman nila inamin noon na naging sila.

“Ha-ha, oo, pinag-uusapan namin ang past namin, mga pinagdaanan namin before, oo may closure kasi kung hindi kami okay at hindi namin napag-uusapan ‘yun, ‘tapos at the same time, natatawa pa kami. We’re on a good level right now at ini-enjoy namin ito,” sagot ni Gerald.

“Siguro thru time, nagkaroon kami ng closure,” sagot naman ni Bea. “Kasi ‘yung time na ‘yun siyempre parang hindi ganu’n kalinaw. Kasi it was just a short-term relationship, so parang sa parte ko, I’m speaking for myself, of course, sana mas marami pa akong na-discover sa kanya.

“Hindi nga namin napagdaanan ‘yung struggles nina Anj at Nino (karakter nila sa How To Be Yours) kasi maikli lang ‘yung relasyon namin. But when I look back, gusto kong balikan ‘yung time na when we’re together, ‘yun ‘yung ako na carefree, I was young, and that’s always remind me of the time, na I’m carefree.”

Ano namang bahagi ng naging relasyon nila ang gustong balikan ni Gerald?

“’Yung tipong ang daming nangyayari sa careers, sa professional life namin na maraming may ayaw, pero kapag kasama ko siya nakakalimutan ko lahat ‘yun, ‘pag kasama ko siya, sobrang ini-enjoy ko ‘yung moment na nandoon siya sa tabi ko.

“Nakita ko siya na dati, na parang nagbago pero walang nagbago, kung paano siya dati, she’s the same girl na kasama ko dati na parating tumatawa, kapag nagjo-joke ako maski corny na ang joke ko, laging nakangiti, ‘yung carefree na Bea, nakikita ko pa rin kapag magkasama kami.

“Nakikita ko pa rin ‘yung beautiful part of it kasi she’s the same person pero parang version 2.0,” pagbabalik-tanaw ng aktor.

Mapapanood na ang How To Be Yours sa Hulyo 27 produced ng Star Cinema.