Angel copy copy

TINANONG si Angel Locsin sa ginanap na storycon para sa kanyang bagong movie na Third Party kung ano ang masasabi niya sa pag-amin ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano na “on dating stage” na ito with Jessy Mendiola.

“Nandoon na sila sa gano’ng buhay so nandito naman ako sa buhay ko, di ba? Parang wala akong magandang masabi so hindi na lang ako magsasalita,” sagot ni Angel.

Dugtong pa niya, “Kung ini-enjoy nila ‘yung moment na gano’n, ‘di good job.”

Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: Ang Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar

Hindi naman daw siya nasaktan sa biglang pag-amin ni Luis na lumalabas sila ni Jessy.

“No, kasi alam ko na naman. Alam ko naman din na darating din ‘yun panahon na aaminin naman nila na sila na. Parang may proseso kasi ‘yan, di ba? Siguro binabalanse lang nila kung papano nila aaminin, di ba? Pero buhay na nila ‘yun, eh. Iba na ako. Tinanggal naman nila ako sa eksena so dito ako sa eksena ko rin.”

May nabanggit din si Angel tungkol sa pahayag ni Luis na walang “third party” o walang kinalaman si Jessy sa kanilang break-up.

“Kung ano’ng sinabi niya. Lagi namang gano’n, eh. Kung ano’ng sinabi niya, eh, di ‘yun na ‘yun. Kayo? Ano sa tingin n’yo?” sabi ng dalaga. (ADOR SALUTA)