Mick copy

MADARAGDAGAN pa ang malaking pamilya ni Sir Mick Jagger, lead singer ng The Rolling Stones, sa pagsisilang ng kasalukuyang kinakasama ng kanyang pangwalong anak.

Napag-alaman mula sa kanilang tagapagsalita na nagdadalantao ang kanyang 29 na taong gulang na nobyang ballerina, si Melanie Hamrick.

Nagsimulang magsama ang dalawa noong 2014, matapos mapabalitang nagpakamatay ang kinakasama niya ng 13 taon na si L’Wren Scott.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kahit sa edad na 72, hindi nagpatinag ang lead singer na may pitong anak na may edad na 17 hanggang 45 taong gulang. Nadagdagan pa ito ng isang apo sa tuhod noong nakaraang 2014.

Nagkaroon din ang star ng mga anak kina Marsha Hunt, Bianca Jagger, Jenny Hall at Luciana Gomez-Morad.

Mayroon na siyang limang apo at isang apo sa tuhod nang ipanganak ni Jade Jagger, ang apo niyang si Assisi noong May 2014.

Naghahanda muli ang Rolling Stones ng bago nitong blues-inspired album na ipapalabas ngayong taon. (BBC News)