Cory copy

IBINAHAGI nina Lea Michele at cast ng Glee sa social media ang kanilang makabagbag-damdaming pagkilala kay Cory Monteith noong Miyerkules, sa ikatlong anibersaryo ng kanyang pagpanaw.

“I know everyday you’re watching over me, and smiling. Love and miss you Cory, everyday, but today a little more,” saad ni Michele sa kanyang Twitter na may kasamang snapshot ni Monteith sa beach.

Nagbigay din ng mga mensahe sa social media sina Naya Rivera, Mathew Morrison, Kevin McHale, at iba pang miyembro ng Glee. “The minutes become days and the days become years…but you always remain so close. I miss you, Brother,” tweet ni Morrison.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kasama sa pagiging emosyonal, ani McHale, “Today I woke up thinking about ur smile & how infectious it. U made us laugh & feel loved everyday.”

“Always missed and never forgotten,” tweet ni Rivera, kasama ang hashtag na #3YearsWithoutCory, na naging trending topic sa Twitter.

Si Chord Overstreet, na naging karakter si Sam Evans sa Glee at kalaban ng karakter ni Monteith na si Finn Hudson, ay nagbigay din ng respeto sa Instagram. “There’s no one quite like you,” sinulat nito na may kasamang litrato ni Monteith. “The greatest guy. The biggest heart. I love you man!”

Nagbahagi rin sa Instagram si Jenna Ushkowitz ng isang nakakatuwang larawan ni Monteith na nakaupo sa likod ng drum set. “The time may pass but the warmth of your generous soul and the humility in your goofball nature will never fade,” saad niya. “You are and always will be our quarterback. We miss you, friend. #3yearswithoutcory.”

Namatay si Monteith noong 2013 dahil sa drug overdose. Ang kanyang pagkamatay ay nangyari wala pang dalawang buwan matapos siyang pumasok sa rehab. (ET Online)