Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 22 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay sa patuloy na opensiba ng militar sa Sulu.

Ayon sa ulat ng AFP, habang patuloy ang all-out offensive ng militar sa tatlong bayan ng Basilan ay patuloy din ang operasyon ng mga sundalo sa Sulu.

Batay sa report ng Western Mindanao Command (WestMinCom) umabot na sa 22 bandido ang nasawi habang 20 naman ang nasugatan sa bakbakan na pumalo na sa isang linggo.

Umaabot sa 130 tauhan ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron ang nakasagupa ng militar.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Sinabi sa report ng militar na kabilang sa mga namatay ang isang miyembro ng ASG na wanted sa kidnapping at isinasangkot sa pagdukot sa broadcaster na si Ces Drilon noong 2008.

Ayon pa militar, isang sundalo rin ang nasawi habang anim pang operatiba ng 45th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasugatan.

Layunin ng operasyon sa Sulu na mailigtas ang mga natitirang bihag ng Abu Sayyaf, kabilang ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstand.

Una nang nagbanta ang ASG na pupugutan din ng ulo si Sekkingstand, gaya ng sinapit ng kapw Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall na kasama ng Norwegian nang dinukot sa Samal Island sa Davao del Norte noong Setyembre 21, 2015. (Fer Taboy)