Rocco, Conan Stevens, Noel Flores at Direk Mark copy

NASAGOT na siguro ng production staff at ni Direk Mark Reyes sa presscon kagabi kung ano ang role ng foreign actor na si Conan Stevens sa Encantadia. 

Kumpirmadong kasama sa cast ang foreign actor na napanood sa season one ng Game of Thrones bilang si The Mountain.

Na-interview ni Nelson Canlas si Conan Stevens at ang sabi, magti-taping pa lang siya ng requel ng fantaserye. Hindi nag-spoiler ang aktor dahil hindi sinabi kung ano ang role niya at kung saang kaharian siya kasama. Abangan na lang daw.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Madalas pala sa bansa si Conan Stevens, lalo na sa Cebu dahil may mga kaibigan siya roon. May nagsabi kay Direk Mark na nasa bansa that time ang aktor, kaya inimbita sa taping. Tuwang-tuwang nagpa-picture sa kanya sina Direk Mark, Noel Flores at Rocco Nacino.

Samantala, sa Monday (July 18) pa ang premiere ng Encantadia, magagawan pa naman siguro ng paraan ng GMA-7 ang open letter at petition ng Encantadiks (fans ng fantaserye) na ipalabas sa wide screen o naka-letterbox para walang naka-crop na eksena at walang nasasayang.

Nagawa raw ito ng network sa Ilustrado dati, bakit hindi nila magawa sa Encantadia na malaki ring proyekto at ginagastusan ng malaki ng network, bakit hindi pa nila itodo? (Nitz Miralles)