Agad sinampahan ng reklamo sa Quezon City Prosecutors Office ang limang hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga, kabilang ang dalawang AWOL na pulis, matapos matimbog sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ng Batasan Police Station 6 ang mga arestadong suspek na sina dating Chief Insp. Churchill Marcelo, 43, ng No. 23 Gonzales St., A. Bonifacio, Balintawak, QC; dating PO1 Erwin Reginaldo, 37, ng Sitio 1 Kaliwa, Brgy. Batasan Hill, QC; Cristina Oreta, 29, ng Barangay Batasan, QC; Johnatan Dela Cruz, 32, at Renato San Antonio, 42; pawang nakatira sa Kaunlaran St., Brgy. Commonwealth, QC.

Nakuha sa mga suspek ang mga plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.  

Base sa inisyal na ulat ni SPO2 Hilario Nebato, radio operator ng QCPD PS6, ganap na 4:00 ng hapon kamakalawa nang isagawa ng mga operatiba ng Station Anti–Drugs ang buy–bust operation sa No. 23 Kaunlaran Sr., Bgy.Commonwealth, QC, kung saan nasakote ang mga suspek. (Jun Fabon)
National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga