Magsasagupa ang mga pangunahing varsity squad sa bansa sa pinakamalaking pre-season football tournament na magsisimula sa Hunyo 16.

Kabuuang 20 koponan na hinati sa dalawang dibisyon mula sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP), gayundin ang mga provincial team.

Nagsimula noong 2003, unti-unting lumaki ang Ang Liga tungo sa pagiging pangunahing grassroots sports development program sa football.

Nangunguna ang defending champion Far Eastern University sa unang dibisyon, kasama ang UAAP team na University of the Philippines (UP), Ateneo De Manila Univeristy (ADMU), National University (NU), University of Santo Tomas (UST), at University of the East (UE).

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang San Beda College (SBC), ang NCAA runner-up sa nakalipas na taon, ang nangunguna para sa pinakamatagal na athletic association sa bansa kasama ang College of Saint Benilde at Lyceum of the Philippines Univeristy (LPU).

Makakasama rin ang provincial team na University of Batangas sa 1st division matapos na magwagi noong nakaraang taon sa second division.

Magkakasama sa Division 2 ang Emilio Aguinaldo College, University of Perpetual Help System Dalta, Malayan Colleges Laguna, Don Bosco Technical College, Dela Salle Araneta, at Rizal Technological University.

Nakareserba rin ang mga koponan mula sa FEU, SBC, UP, at UST sa second division. (Angie Oredo)