KRIS copy copy

NAKIPAG-MEETING na si Kris Aquino sa ABS-CBN management kahapon ng tanghali, base na rin sa post niya sa Instagram bandang alas dose ng tanghali.

May hastag na, “#SpellNagHanda”, ang caption ni Kris sa picture na ilalabas din namin ngayon, “On my way to the meeting for my return to TV. Please PRAY with me that whatever will happen & whatever road I’ll travel is God’s best path for me?”

Pawang positibo ang comments ng followers na nabasa namin at wini-wish nila ng good luck ang Queen of Talk at sana raw ay mapanood na kaagad uli siya sa telebisyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

As of press time ay wala pa kaming detalye kung ano at kumusta ang meeting ni Kris sa bosses ng Kapamilya Network.

Wait na lang tayo kung ano ang isi-share ni Kris sa publiko.

Samantala, may konting nalaman ang publiko sa previous post ni Kris kung paano ini-enjoy ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang pribadong buhay. Ipinagmamaneho pala silang mag-iina ng dating pangulong ngayong magkakasama sila sa bahay nito sa Times Street.

Ito ang caption ni Kris sa Flipagram post o collection ng photos at video na makikita silang magkakasama sa car habang nagmamaneho si PNoy at may mga kuha rin habang kumakain sila ng tanghalian:

“Our Sunday. Tito Noy drove us to Church from family lunch... My 2 boys said, why is Tito Noy using our car? I said because he’ll teach me how to drive, so he needs to get used to this car. ❤️ #Family #NextChapter #BestBrother.”

(REGGEE BONOAN)