CEBU CITY – Isang 26-anyos na hinihinalang lulong sa ilegal na droga ang nanaksak at nakapatay ng isang mag-asawang kapitbahay niya matapos siyang pakiusapan ng mga ito na sumuko sa mga pulis at sumailalim sa rehabilitasyon, nitong Lunes ng gabi.

Pinaghahanap pa hanggang kahapon si Eddie Ardiente, na tumakas matapos niyang patayin sa saksak ang mga kapitbahay niyang sina Ricardo Cupta at Francesca Cupta, sa Sitio Maaslom, Barangay Busay, Cebu City. Isa pang kapitbahay nila ang nasugatan sa insidente.

Ayon kay Yody Sanchez, kagawad ng Bgy. Busay, nagalit si Ardiente nang pakiusapan siya ng mag-asawa na sumuko na lang sa pulisya upang maisailalim sa drug rehabilitation.

Lalong nagalit si Ardiente nang malaman na isinulat ng mag-asawa ang kanyang pangalan sa listahan ng mga adik sa Busay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Unang nagtungo ang suspek sa bahay ni Leclec Balolot at sinaksak ito, bago dumiretso sa bahay ng mag-asawa at pinagsasaksak ang mga ito hanggang sa mamatay.

Sinabi ni Sanchez na huling nakita si Ardiente na tumalon umano sa ilog makaraang gawin ang krimen.

(Mars W. Mosqueda, Jr.)