ALDUB copy

PAGKATAPOS mag-guest sa Sunday Pinasaya nitong nakaraang Linggo, nagkaroon ng press conference with the bloggers sina Alden Richards at Maine Mendoza, kasama ang director nilang si Michael Tuviera, para sa first solo movie nila together na Imagine You & Me ng APT Entertainmnet Inc., GMA Films at M-Zet Television, Inc.

May bago silang revelations na hindi pa nila naipahayag sa previous presscons. Sinagot ni Maine ang tanong kung ano ang bagong development sa kanila ni Alden at kung sino ba si Alden para sa kanya.

“Ako lang ang nakakaalam ng mga things about him na hindi nakikita ng tao, hindi alam ng tao, and ako lang ang nakakaalam,” sagot ng dalaga na hindi nag-elaborate, at ito ang sunod na sinabi. “Gusto ko rin na kung ano ang kulang sa pagkatao niya, gusto kong punuin.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tahimik lang habang nakikinig si Alden sa mga sinabi ni Maine.

Ito naman ang paglalarawan ni Alden sa kanyang ka-love team: “She can always lend herself, not an ear, eh, but herself, to me, whenever I need someone.”

Medyo seryoso ang usapan, at baka maiyak na naman si Alden, pero likas na mapagpatawa si Maine na kinuha ang isang table cloth at kunwari ay naglaba siya at isasampay niya, kaya pinigilan ni Alden.

“Hoy, hoy, hoy! May kumakain du’n!” kaya nauwi sa tawanan ang usapan.

Ikinuwento rin ni Maine na kapag nag-uusap sila nang personal ni Alden, hindi ito si Alden kundi si Richard Faulkenson. At si Maine naman ay laging naroon at handang makinig anuman ang gustong sabihin sa kanya ni Richard.

Pero hindi pa rin napaamin ang dalawa sa tunay nilang relasyon, at ang sagot lang nila:

“Basta po masaya kami sa isa’t isa, alam namin ang gusto naming gawin, at p’wede naman naming gawin, kung ano po ang nakikita ninyo, iyon po ang napi-feel namin at iyon ang ginagawa namin. Wala kaming itinatago, wala pong peke sa aming relasyon.”

Nagkakatampuhan din ba sila?

“Wala po, wala kaming tampuhan, nagkakaintindihan kami sa lahat ng bagay,” nagkaisang sagot nila.

Pero ang isang hindi pa maipagawa sa dalawa ay iyong kissing scene nila off-camera. Nang mag-guest nga sila sa Sunday Pinasaya, pinilit silang mag-kiss ni Ai Ai delas Alas at tiningnan pa niya, pero nagtakip ng papel ang dalawa. Pero ibinuking sila ni Ai Ai na nag-kiss naman daw ang dalawa kapag walang kamera, malapit sa lips.

Hindi kaya reserved ang kiss na iyon para sa AlDub Nation, na unang makakakita sa ending ng movie? Premiere night na ng Imagine You & Mesa ngayong gabi, July 12, sa SM Megamall, opening day bukas, in cinemas nationwide.

(NORA CALDERON)