Kalaboso ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng baril sa checkpoint sa Las Piñas City, nitong Linggo ng gabi.

Nakakulong sa detention cell ng Las Piñas City Police si Roland Narez, alyas “Onald”, residente ng Barangay Pamplona 1, Las Piñas City.

Sa ulat na natanggap ni Las Piñas City Police chief Senior Supt. Jemar Modequillo, dakong 8:00 ng gabi nang magmando ng checkpoint ang mga pulis sa Alabang Zapote Road sa Bgy. Pamplona Uno.

Hindi na nagawang makaiwas ng suspek nang sitahin siya ng awtoridad at narekober sa kanyang pag-iingat ang isang .38 caliber revolver na may lamang apat na bala, kaya inaresto siya.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Idiniretso sa himpilan ng pulisya si Narez na nahaharap sa kasong Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act sa Las Piñas Prosecutors Office.

Inaalam din ng Las Piñas Police kung sangkot si Narez sa serye ng panghoholdap sa lugar. (Bella Gamotea)