Jazz Ocampo (4) copy

ANG puti-puti at ang kinis-kinis ni Jazz Ocampo, tinawag tuloy siyang “apparition” ng mga reporter sa presscon ng Sinungaling Mong Puso. Natawa lang ang aktres nang makarating ito sa kanya, pero tama naman ang mga reporter, kapag pinatayo raw sa dilim si Jazz ay para na siyang apparition.

Pang-beauty queen ang ganda at tindig ni Jazz, kaya tinanong kung may plano siyang sumali sa beauty pageant.

“Siguro if older na ako at more mature baka subukan ko. Actually, nag-join ako ng Little Miss Philippines 2004, third runner-up lang ako. I was seven years old then. Noong 2008, nag-join naman ako sa Little Earth Angel ng ABS-CBN, hindi rin ako nanalo,” natatawang kuwento ni Jazz.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kuwento pa ni Jazz, masuwerte siya dahil pang-apat na show na niya ang Sinungaling Mong Puso sa GMA-7, na may one year contract siyang pinirmahan. Katatapos lang ng That’s My Amboy, heto at may follow-up show agad siya.

“Ang ikinatutuwa ko, maganda ang role ko rito sa Sinungaling Mong Puso as Hannah na nabuntis at pakakasalan ni Jason (Kiko Estrada). Hindi ako magpapa-cute rito at kailangan kong sabayan ang mga kasama ko na magagaling. Masaya ako na malaki ang ‘binibigay na improvement sa akin ng show kasi dito, I learned how to open myself to my co-actors since kailangan all-out ako dito,” wika ni Jazz.

Si Aiko Melendez ang original na gumanap sa role ni Jazz sa movie version ng Sinungaling Mong Puso. Hindi pa niya napapanood ang nasabing pelikula sa payo na rin ni Direk Ricky Davao para hindi niya magaya ang acting ni Aiko.

Sa third week ng taping, sabay-sabay panonoorin nina Jazz, Rafael Rosell, Kiko Estrada at Rhian Ramos ang pelikula.

Sa July 18, pagkatapos ng Magkabilang Mundo ang pilot airing ng Sinungaling Mong Puso. (NITZ MIRALLES)