Ni REGGEE BONOAN

Coco at Vice HINDI raw sequel ng Beauty and The Bestie ang bagong pelikulang gagawin nina Vice Ganda at Coco Martin na kasama sa Metro Manila Film Festival 2016.

Naisip namin noong una na sequel ito, dahil pareho ang casting, pero hindi puwedeng mangyari dahil pag-aari ng pumanaw na si Direk Wenn Deramas ang kuwento ng Beauty and The Bestie kaya malamang iba ang kuwento ng pelikulang ididirehe ni Bb. Joyce Bernal mula sa Star Cinema.

“Iba ang kuwento, pareho lang ang casting, may pagka-modern ang family ng kuwento,” sabi ng taga-Dos sa amin.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kaka-present pa lang daw ng story sa dalawang bida kamakailan kaya hindi pa masabi kung ano ang magiging papel ng dalawang higanteng artista ng ABS-CBN.

Higante ang terminong ginamit namin kina Coco at Vice dahil patuloy na nangununga sa ratings game ang FPJ’s Ang Probinsyano at hataw din sa ratings ang Gandang Gabi Vice na limang taon nang umeere at still counting.

At higit sa lahat, nasa listahan sila ng top money-maker artists sina Vice at Coco ng ABS-CBN at Star Cinema, tama ba, Bossing DMB?

(Walang kaduda-duda. --DMB)