Ian, Jodi, at Richard copy

KASALI na sina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion at Richard Yap sa hanay ng box office stars na nagtala ng mahigit P100M box office income.

Nakakuha kami ng listahan ng mga kinita sa takilya ng pelikula nilang The Achy Breaky Hearts.

As of Saturday, July 9, ang gross running total (GRRT) ng box office take nila ay P111,936,284.33. Mula ito sa 597,154 na naibentang tickets.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Partida pa ‘yan. Dahil napirata nga ang pelikula nila at pinagpipistahan na sa social media. 

Siyempre, ang mga nakapanood na ng pirated copy, hindi na manonood sa sinehan. 

Palabas pa rin ang The Achy Breaky Hearts sa mahigit 150 theaters at patuloy na pinapasok. Nangangahulugan na marami pa rin ang responsible moviegoers na nagmamalasakit sa nagpapakahirap magtrabaho, kaya nagbabayad pa rin sila kahit may libre nang pirated copy.

Naririto ang figures na nasungkit namin. 

Total Theaters:156

GRRT: 111,936,284.33

TKTSoldRT: 597,154 (DINDO M. BALARES)