DINADAGSA ng offers ang anak ni Sunshine Cruz na si Angelina Montano pero mariin pa rin ang pagtutol ng aktres na pasukin na ng magandang bagets ang showbiz.

At kung si Sunshine lang talaga ang masusunod, hindi niya papayagang pumalaot sa mundo ng pelikula at telebisyon ang panganay na anak nila ni Cesar Montano.

“Hayaan na lang muna natin siyang makatapos ng pag-aaral. At ‘yun naman ang gusto ng anak ko, na mag-concentrate muna siya sa kanyang studies and maybe later on ‘pag may natapos na siya, eh, nasa kanya na ‘yun kung pasukin na rin niya ang showbiz,” sey ni Sunshine.

Napansin nang husto si Angelina sa ginawang print ad kaya marami ang nagsasabi na may malaking potential ang dalagita sa showbiz. Pero inglisera ang anak ni Sunshine, huh!

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Diyos ako, eh, nosebleed nga ako sa kanila. Pare-pareho silang tatlo, mga englisera,” napatawang banggit ng aktres.

Samantala, ayun naman mismo kay Angelina ay hindi pa niya nakikita ang sarili na sumusunod sa yapak ng kanyang ina at ama.

“I haven’t thought of entering showbiz because I’m focusing more on my studies right now,” sey pa niya.

Bukod sa studies niya ay maalaga si Angelina sa dalawang nakababatang kapatid.

“As a sister, I am always playful with them even though they’re kind of young but I play along with them, and I’m also really caring. As a friend, I am trustworthy and loving, I’m good at keeping secrets and I don’t tell anyone because I care about them,” sey ng napakagandang bagets. (JIMI ESCALA)